Malaya Nicolas
Si Marhiel Sofia D. Garrote ay tubong Valenzuela. Nagtapos siya sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sta. Mesa, Maynila sa kursong Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya. Pagkatungtong niya sa PUP naging kabilang siya progresibong organisasyon ng mga manunulat, ang Liga ng Kabataang Propagandista. Apat na taon siyang nanungkulang tagapangulo ng organisasyon. Mula noon naging babad na siya sa gawaing masa. Naging proof reader sa isang tabloid. Contributor writer siya sa Manila Today isang alternative media online publication. Sa kasalukuyan bahagi siya ng Sining Bugkos, alyansa ng mga manggagawang pangkultura sa Metro Manila, Senior Content Writer sa Tickled Media (theAsianparent Philippines). Higit sa lahat anak siya ng bayan.
Nang ilagom ko ang mga ginawa ng kasalukuyang rehimen simula nang maupo ito sa puwesto. Ganito ko ito sinuri. Para mga kabanata sa isang nobela. Napakaraming plot twist. Kung itatala ko ang mga kaganapan, ang mga masasahol na kaganapan ang ganito siguro ito. Makikita "Talaan ng Kadiliman" ang sariling danas ko, kung paano ko nakikita ang nagdaang mga taon na sila ang mga nakaupo. Naisulat ko ito sa panahong lahat ay nagmamakaawang maabunan ng ayuda buhat sa krisis na dala ng COVID-19. Kung saan ang mga nagpoprotesta na mga kababayanan natin na nanghihingi ng pagkain ay marahas na pinaalis ng mga pulis. Kung saan kapag lumabas ka ng iyong tahanan upang maghanap nang makakain ay may shoot to kill order. Naghahanap ako ng mga daluyan, pamamaraan upang maunawaan ng iba sa simpleng paraan kung gaano na karahas, kadilim ang sinapit ng bayan. Ito ang kuwento sa likod ng proyektong ito.
(c) VALS, 2021