top of page

Josh Paradeza

Si Josh Paradeza ay isang manunulat mula Zambales ngunit madalas natatagpuan ang sarili sa gitna ng Kamaynilaan. Kasalukuyang nag-aaral ng multimedia studies sa UPOU, sinusubukan niyang ipagsama-sama ang pagsibol ng sariling naratibong queer — o anumang attributes nito — sa pinaghalo-halong danas sa iba’t-ibang larangan ng buhay, sa iba’t ibang espasyong pinaglanguyan at pinaglagian.

Rain Cloud

Layunin ng “Hindi Bisita si Ulysses,” isang maigsing video essay, ang pagpapakita ng iba’t-ibang personipikasyon ng bagyo, at ang iba’t-ibang epekto nito sa tao, sa loob ng isang maliit na parte ng isang maliit na barangay.

Ang mga larawang ginamit ay mga kuha matapos ang pananalanta ng bagyong Ulysses. Ang barangay namin sa Zambales ang nilabasan ng bagyo patungong karagatan, ngunit hindi singlubha ng naranasan ng mga taga-siyudad ang naranasan namin, laking pasasalamat sa Sierra Madre at mga bulubundukin ng Zambales na nagsilbing pampakalma sa bagyo.

Hut

(c) VALS, 2021 

bottom of page