top of page

(c) Yam Abejuro

    VALS, 2021 

Hindi Tao, Hindi Bagay

Gámgam sa langób (Bkl)

Gámgam na máyong ribók
Báad nagkakatúrog
Nang bukasán an langób
Warâ palán ki lí’og

Ibon sa Hawla (Tag)

Ibong walang ingay
Baka natutulog
Nang buksan ang hawla
Wala na ang leeg

Origami Bird

Aswang

Aanhin mo ang palasyo kung ang nakatira ay aswang?
Sa pagsapit ng gabi'y lumilibot sa mga tahanan
Ang nakatira sa bahay-kubo ay papalitan
ng rebolber at bato, ng luha at dugo. 

Nasa diyos ang awa kung ang tao ay kaniyang tao.
Huwag nang umasa sa diyos na walang espiritu.
Walang saysay ang sanlibong sisiw sa taas ng kabaong
para sa aswang na walang tainga, malaki lang ang ilong.

Walang ligaya sa lupa na hindi dinilig ng luha.
Walang ligaya sa impyerno kung hindi nagkalat ang dugo.
Pag may mahirap, may ginhawa.
Pag may lalong naghihirap, may pananamantala.

Magbiro ka na sa lasing na kapwa mo aswang
Huwag lang sa bagong gising at matagal nang mulat
Tapos na ang kalokohang "Tunay na Pagbabago"
Para sa pinagsama-samang bawang at taas-kamao.

Fly

Hindi Tao, Hindi Bagay

Bugtong Bugtong
Hindi tao, hindi bagay
Umupo nang apat na taon
Marami nang bangkay

Mataas itong nakaupo
Mababa ang tingin sa nakatayo
Mataas ang tingin sa intsik at kano
Mababa ang suporta sa lupang ninuno

Noong tumakbo ay tao
Noong umupo ay aso
Sa umaga ay isang payaso
Sa gabi ay isang demonyo

Bugtong bugtong bugtong bugtong
Malapit na ang araw ng paghuhukom
Itaas ang palad na nakakuyom
Ibagsak ang berdugo ng kasalukuyang panahon.

Napoleon Dog

Butil

Ang sinayang ng sutil
Sa iba’y gintong butil
Ang batang ‘di mapigil
Pag laki’y mapaniil

Dito sa Pilipinas
Ito’y kay daming alyas
Kaysa sa tagagapas
Ngalan ay kumukupas.

Siya nang nagpakain
Siya pang inalipin
Pagkat may d’yos na sakim
May tatak maski hangin.

rice-grains-clipart-3_edited_edited.png

Mga tula ni

bottom of page