top of page

Eubert Lennard Torreliza

Si Eubert Lennard O. Torreliza ay nagtapos sa kursong Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon Medyor sa Filipino sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta. Mesa. Nagtuturo siya ng Filipino 01 sa De La Salle Santiago Zobel – Vermosa Campus. Kinakapa ng nangangarap na maging manunulat ang pagsulat ng tula at nangangahas sa pagbabalangkas ng maikling kuwento. Kasalukuyan siyang naka – enroll sa Unibersidad ng Pilipinas sa programang gradwado na MA Malikhaing Pagsulat.

Dark Deity
Worshipping

Ito ay hango sa "The Birth of Venus" ni Sandro Boticelli. Ang kuwento ng orihinal na painting ay nagdidiwang si Grace, Aura, at Zephyr nang ipanganak si Venus.

 

Sa kaso ng aking ginawa, ginawa kong Winnie the Pooh at Piglet si Zephyr at Aura bilang tagakalat ng Covid na sumisimbolo kay Duterte at Xi Jin Ping. Ang pumalit sa puwesto ni Grace ay ang mga taong sumugod sa Manila Bay para sa white dolomite sand na maaaring maging sanhi ng lalong pagkalat ng virus.

 

Ang puwesto ni Venus ay pinalitan ng ulo ng janitor fish, katawan ni Roque at tinik ng dolphin sapagkat siya ang tagalinis ng kalat na ginagawa ng gobyerno.

(c) VALS, 2021 

bottom of page